"Taga Tondo Ka Kung ..." minsan ka ring nangarap pumunta sa Amerika.
Kasi parang andali dali nang buhay duon at parang ansarap sarap kumita ng dolyares.
Sarap magpapackage ng mga delata o kang guds, cereals, oats, prunes at egg powder (imagine taong 1980s pa lang ang itlog sa amerika ay nilulutong parang hotcake!) Astig di ba?
Tapos pag winter, me snow! Oh di ba? sino ba ang hindi nangarap ng makaranas ng live na snow! Yun me papatak pang snow flakes sa ilong mo na para kang nasa isang pelikula!
Kaso ... nagbago ang isip mo nung medyo tumanda ka na!
Naisip mo kasi kapag winter, magpapala ka ng snow!
Kapag Fall, magkakalaykay ka ng mga dahon!
At sadyang nakakalito kung anu nga ba ang pinagkaiba ng spring at summer! Ang hard di ba?
Tapos naisip mo bigla, me steak nga wala namang tsinitong aso!
Me bagels at beans kahit saan ka magpunta wala namang Pandesal at Champorado na me kasamang matamis na ngiti ni Aling Mila habang binubuhos ang request mong dagdag na gatas (take note, lista pa yan, sa katapusan ang bayad).
Madalas mo pang nakikita sa mga english movies na veggies ang madalas nilang dinner. "Huwaaat? No Rice? Puro Dahon? Anu ako? catterpillar?" ang nasabi mo sa sarili mo.
At tama ang nasa isip mo ... hindi uso ang bulalo dun! Pano pag me amats ka na sa madaling araw? Tsk ... chinito problems yan brad!
At eto pa! Ayon sa mga tsismis ni Ka Gusting ... duon daw ang mga tao walang pakielamanan! Yep! KKM ... "Kanya-Kanya Men!"
Di tulad sa tondo, kung papasok ka ng eskenita at me nag-aamok, me magwawarning agad sayo!
At matutuwa ka sa eksenang aabutan mo.
Yung lalakeng nagwawala na me hawak na jungle bolo? Ayun akap akap ng kumpare nya habang inaawat.
Ganun katapang ang mga taga-tondo lalo na kung para sa kapakanan ng isang kaibigan ... kahit patalim yayakapin.
"Walang ganyan sa states!" ika nga ng isang commercial nuong dekada 90.
Ganun pa man, andaming kaibigan at kakilala ko mula sa Tondo ang ngayon ay nasa ibang bansa na ... at isa na ako sa kanila.
Hindi dahil sa gumana na ang utak namin at naintindihan sa wakas ang Law of Economics at lalong hindi dahil nagpakaprakital kami.
Andito kami sa simpleng kadahilanan ... PAMILYA.
Dahil kung magkakaroon kami ng pagkakataon na mabigyan ng kaunting ginhawa man lamang ang aming mga pamilya, ito ay aming gagawin.
Lahat isasakripisyo. Pipiliin ang lungkot. Kakalimutan lahat ng nakasanayan at mag-aadjust sa bagong mundo.
Dahil ang tunay na taga tondo ... laging nangingibabaw ang PUSO at PAGMAMAHAL PARA SA PAMILYA.
***cutscene***
Lalake 1: Taga-saan ka satin utoy?
Lalake 2: Tondo po!
Lalake 1: Aba eh lugar ng matatapang un ah!
Lalake 2: Kaya nga po ako tumagal dito sa lupang banyaga, gamit ko po ang tunay na tapang na taglay ng pag-ibig para sa pamilya.
Lalake1: (Napangiti) "Taga-Tondo ka nga utoy ..." (sabay tapik sa balikat)
(Ang Blog na ito ay nilikha bilang isang munting pagpupugay sa founder, admins at members ng FB Group na Taga Tondo Ka Kung o TTKK ... patuloy nawa nating baunin ang init ng pakikisama at tatag ng ating mga puso bilang taga tondo saan mang dako ng mundo! #Kampai)
#Random_Tots_ni_FRiL
Thursday, September 18, 2014
Monday, September 1, 2014
Unfaithful Medyas
Henyong katwiran ng mga tulad kong tamad at madalas na late.
Ang aga nagising kaso napasarap ng chat ke wifey kaya ayun 7:40 na kumilos samantalang ala-otso ang pasok. Hirap ng malayo ke wifey, walang taga-asikaso. Dati ang trabaho ko lang ay bumangon at maligo then lahat naka-ready na, almusal, kape, damit, yakap, kiss at syempre ... ang medyas! Haist! #aymisyubebe
Pero mabalik tayo sa medyas ...
Dalawa lang ang maaaring dahilan kung bakit di magkaterno ang medyas mo!
Una, sadyang taksil ang mga medyas at wala silang ability na maging faithful sa mga partner nila kaya biglang nawawala ang isa. (Kaya next time na mag-away kayo ng taksil mong dyowa pwede mo syang tawaging isang walang kwentang medyas! ahehe)
Pangalawa, isa itong senyales na kailangan mo nang maglaba. #wink
#need_nang_maglaba
#Random_Tots_ni_FRiL
Subscribe to:
Posts (Atom)