Friday, October 9, 2015

Pira-pirasong Papel

Short story tayo ngayong araw na ito about being careful to what we say about others.

Nakulong si Juan dahil sa isang kasalanang hindi niya ginawa .. dahil sa isang tsismis na ang nagpakalat ay si Pedro!

Napawalang sala naman si Juan at nang nakalaya ay naisipan niyang idemanda si Pedro sa salang paninirang puri.

Sa korte, nangatwiran si Pedro na siya ay nagpapahayag lamang ng kanyang opinyon at saloobin ayon sa mga nakikita niyang activities ni Juan at kung paano ito mamuhay. "FREEDOM OF SPEECH" ika niya.

Dahil sa katwiran ni Pedro, nagdesisyon si Judge.

JUDGE: Mano Pedro, bukas ko ibibigay ang aking hatol. Sa ngayon, nais kong isulat mo sa isang papel ang iyong opinyon at saloobin tungkol kay Juan matapos ay iyong pira-pirasuhin ang sinulatang papel. At habang ikaw ay naglalakad pauwi, nais kong isa isa mong itapon ang piraso ng mga papel hanggang ito ay maubos. Maliwanag ba?

At ito nga ang ginawa ni Pedro.

KINABUKASAN ....

JUDGE: Bago ko ibaba ang hatol, PEDRO ... nais kong buuin mong muli ang mga pira pirasong papel na ikinalat mo kahapon kung saan nakasulat ang mga opinyon at saloobin mo tungkol ke Juan.

Pedro: Impossible pong mahanap ko pa ang mga pirasong papel para mabuo ulet.

JUDGE: Mismo. Dahil sa inaakala mong simpleng pagpapahayag, nasira mo ang pagkatao ni Juan at ang katotohanan, hindi mo na ito basta basta mababawi upang mabuo pang muli. Ngayon naintindihan mo ang bigat ng simpleng pagpapahayag na walang kalakip na kabutihan.

Bawat isa sa atin ay mayroong PEDRO sa sarili natin, parte ng pagiging tao natin ang pagiging kritiko, pero ang purpose nito ay para malaman natin ang tama sa mali, ang mabuti sa masama, ang wasto sa hindi. Hindi para gawing dahilan upang manira ng iba. Self improvement ang purpose ni Pedro sa ating pagkatao.

Alam ko, kahit ako guilty minsan sa pagiging careless at judgemental na Pedro, pero sa susunod na pakiramdam mo na tama lang na ipahayag ang opinyon at saloobin mo laban sa iba ay balikan at isipin mo ang mga panahon na ikaw ay naging isang JUAN, biktima ng maling akusasyon at panghuhusga.

"Pairalin ang PUSO at tiyak ko, hindi mo nanaising maranasan ng iba ang sakit na naranasan mo."

Isang Biyernes na puno ng pakikipagkapwa tao po sa lahat! #Pagpalain

#Random_Tots_ni_FRiL

Friday, October 2, 2015

Parang Printer

Bawat isa sa atin may kanya kanyang design ... Parang "PRINTER".

Me LaserJet, meron ding InkJet, ung iba dot matrix, may wide format, meron din namang slip printer na pangresibo, may pang-office, may pambahay at kung anu ano pa.

Tulad ng printer ang grand design ng buhay natin ay maging productive. 

Hindi mahalaga kung ang printout mo ay colored o black and white o kung mabilis kang magprint o mabagal .. Ang mahalaga me output ka! 

Ang mahalaga nagagampanan mo yung purpose mo! Ang mahalaga nakakagawa ka ng mabuti. Dahil ang basis ng productivity natin ay kabutihan, maaaring marami kang nagawa pero ang tanong eh kung me lakip ba itong kabutihan?

Kahit na minsan me paper jam o naa-out of paper ka, ayuz lang yun! Kasama sa grand design yan!

Wag kang mawawalan ng pag-asa at tapang na sumubok muling magprint .. kasi pag-asa ang nagsisilbing "INK" sa buhay natin!

At heto ang astig ... free at unlimited ang ink refill kung ke God ka kukuha ng supply! Ayuz di ba?

"Tara, sabay nating subukang magprint maski munting kabutihan ngayong araw na'to, pero if you have the capacity ... PRINT KINDNESS LIKE A BOSS!"

#Random_Tots_ni_FRiL

Wednesday, March 11, 2015

Connect the Dots ...

Nung bata pa ko lagi kong inaabangan yung Sunday Issue ng Manila Bulletin kasi every sunday meron silang Fun Page na insert na puno ng puzzles. At ang pinakapaborito ko dito ay ang "Connect the Dots!"

Bilang bata maa-amaze ka kung paanong ang hiwa-hiwalay na dots ay makakabuo ng isang larawan o figure. Isang disconnected pattern na magkakaroon ng kabuluhan after mong ikonekta lahat ng ito.

Pero you don't simply connect them, me susundan kang sequence syempre. You cannot simply jump from one dot to another.

And perhaps that's how life is.

Maraming broken moments ang timeline ng buhay natin. Nakakafrustrate minsan kung bakit need daanan ang isang stage ng buhay na hindi natin trip. Pero kasi nga, me sequence ang lahat. Kahit parang walang substance, need mo daanan para maka-connect ka sa susunod na dot.

At mapapansin mo rin na iba iba ang spacing ng mga dots, minsan maiksi, minsan mahaba. Tulad ng takbo ng buhay natin, minsan next level ka agad agad at minsan naman pakiramdam mo stuck up ka na sa isang punto ng buhay mo sa tagal ng paghihintay. But the thing is, if you keep moving, you'll definitely reach the next stage. The only reason na hindi mo mabubuo yung puzzle is when you stop!

And as you try to connect the dots of your life, do not be too hard on yourself sa mga panahong tila  walang nangyayari kahit na effort na effort ka na! Dahil maraming bagay ang hindi natin talaga hawak tulad ng pagba-blot ng ballpen o pagkabali ng dulo ng lapis habang kinoconnect mo ang mga dots! Hindi mo kasalanan yun, unless ... hindi ka na gumawa ng ibang way para magpatuloy!

At ang huling padeeptots ng isang connect the dots ... Wag mong isiping porke sinunod mo ang sequence tulad ng iba ay parehas kayo ng figure na mabubuo dahil ang katotohanan, iba iba ang puzzle ng buhay natin. Some are meant to end up with an awe inspiring result, some with nominal impact, some ends up with an abstract.

But i guess at the end of it all, hindi naman talaga mahalaga what we ended up with, mas mahalaga na sinubukan natin, ineffort natin at hindi tayo sumuko sa connect the dots ng buhay!

Cutscene sa Tindahan ni Aling Nena:

Pareng Wikipedia: In adult discourse the phrase "connect the dots" can be used as a metaphor to illustrate an ability to associate one idea with another, to find the "big picture", or salient feature, in a mass of data.

Aling Nena: Ang buhay ay isang malaking konek da dats!

#Random_Tots_ni_FRiL