"Oist Dahan Dahan sa Pinto ..."
Isa yan sa madalas na linya ng Lolo ko nung bata pa ako at madalas yan ay pasigaw nyang sinasabi sa akin.
Kung dangan nga ba nama't kasi kapag bata ka ay napakasarap ng pakiramdam nang humahangos ka papasok ng pintuan sa kadahilanang hindi ko rin alam. Ganun ata talaga kapag bata ka, kapag masarap at masaya sa pakiramdam ay hindi mo na kelangan ng dahilan. At kahit mapalo ka pa sa pwet ay okay lang!
Pero ngayong medyo me edad na ako, naisip ko un mas malalim na impact sa likod na madalas na linya ng Lolo ko!
"Dahan Dahan sa Pinto ..."
Paano nga naman kung me tao sa likod ng pinto? Dahil hindi ka nagdahan dahan ay nakasakit ka.
Tulad ito ng mga desisyon natin sa buhay at mga salitang binibitawan, kung di ka mag-iingat, malamang sa hindi, kahit hindi mo sadya ay makasakit ka ng iba.
At madalas, yung mga mahal pa natin sa buhay ang una nating nasasaktan.
"Dahan Dahan sa Pinto ..."
Paano kung naka-lock? Eh di humampas lang ang mukha mo sa pintuan sa pagmamadali! At tila ito yung mga sitwasyon na bagama't hindi mo sigurado kung ano ang kalalabasan ay ginawa mo pa rin nang hindi mo muna sinuring maiigi kung uubra ba o hindi ... gorabels lang! kaya ayun sa huli, ikaw lang din ang nasaktan!
"Dahan Dahan sa Pinto ..."
Kasi minsan tulak ka ng tulak pero pakabig pala ang pagbukas ng pinto! Aminin mo man o hindi, naranasan mo na yan at minsan sa sarili mo pang pintuan! Baket nagkaganun? Siguro eto yun mga panahong magulo ang isip mo at disoriented ka!
Tulad ng mga panahong nagbukas ang pinto ng pagkakataon at hindi mo alam kung ano nga ba ang mas ikakaligaya mo ang manatili sa labas o pumasok sa loob? Tutulak mo ba ito o kakabigin?
Maraming kwento ang bawat bukas at sara ng pintuan ng ating buhay. Mga tao at pagkakataon na ating tinanggap at pinakawalan. Totoo na walang guarantee na hindi ka magkakamali o makakasakit kahit na magdahan dahan ka pa ng husto, pero atleast, sinubukan mong wag madaliin ang mga bagay bagay na importante at iniwasang makasakit ng iba. Sulit na yun!
***Cut Scene***
Juan: Pare, me dalawang pinto. Yung una, pagbukas mo sasalubungin ka ng dragon na bumubuga ng apoy. Yung Pangalawa, sasalubungin ka ng umaapoy na araw. Saang pintuan ka dadaan?
Pedro: Dun sa sasalubungin ako ng umaapoy na araw pare... pero magpapalipas muna ko ng oras hanggang gumabi. #aba_magaling
#Random_Tots_ni_FRiL