Saturday, November 5, 2016

"Padeeptots ng Damit na Lukot ..."

Minsan naisip kong i-research kung bakit nga ba nalulukot ang damit? and i ended up reading about polymers, fibers & fabric, transition temperature, crystalline structures, bonds & molecules, etc., etc. (eh di wow! tinigilan ko na yung kalokohan ko at bigla ko na lang na-appreciate ang Downy!)

Pero sa totoo lang, sa dami ng contributing factors kung bakit nalulukot ang damit natin, dapat mong maisip na hindi simpleng ikaw ang may kasalanan kapag lahat sa buhay mo ay lukot at tila walang tigil ang gusot. Uulitin ko maraming factors.

Dahil sadyang ganyan ang buhay, me mga stages, may phases na smooth at meron ding wrinkled. At tulad ng damit, minsan kahit anung gawin mong plantsa, sadyang may mga damit na lukutin. Kahit ilang beses mo nang hinagod, binimpo at winisikan ng tubig ay lukot pa din. At ang masakit minsan no choice ka kung hindi isuot ito kasi ... no choice nga anu ba? paulet-ulet?

Darating kasi talaga yung panahon na kahit ayaw mo puro lukot at gusot talaga ang haharapin mo sa buhay. Kahit kabisado mo pa ang transition temperature ng cotton, linen, cellulose-based fabric, wool at silk. O kahit alam mo pa kung kailan nag-iinterlock ang mga polymers. Wala kang magagawa, magkakalukot at magkakagusot ang buhay.

Pero wala kang dapat ikabahala, tulad ng damit, huhubarin at papalitan mo rin yan sooner or later tapos sa susunod mas gagalingan mo na lahat. Mula sa pagtatambak sa laundry basket, pagpili ng sabon at fabric conditioner, pag-pagpag mula sa dryer, pagsampay ng maayos hanggang sa pagpaplantsa.

At yan ang sense ng lahat ng lukot at gusot na dinadaanan natin, para matuto tayo! Hindi naman simpleng nagconspire ang cosmos para pahirapan ka. Sadyang me proseso lang ang lahat at minsan, sa mga lukot at gusot ng buhay tayo mas natututo.

#Random_Tots_ni_FRiL

Thursday, October 20, 2016

"Puto at Dinuguan . . ."

There are things we could enjoy but not to perfection unless with the perfect partner, just like Dinuguan could go well with rice but incomparable when paired with Puto.

Indeed, we need that special someone to complement us to fullness, no matter how stark the contrast maybe.

~~~cutscene~~~

Hinahanap mo yung puto sa picture anu? Ganyan yung feeling hangga't hindi mo pa nakikita yung one trulab mo ... incomplete.

#Random_Tots_ni_FRiL

"Tumbang Preso ..."

Ang buhay ay isang malaking laro ng tumbang preso ...

Kailangan mo ng mga kaibigan na matutuwa tuwing mapapatumba mo yung lata ...

Mapapabilib kapag natakasan mo yung bantay ...

At higit sa lahat yung kakampi mo sa bawat hagis ng tsinelas na minsan hindi na mahalaga kung mapatumba mo ang lata o hindi ...

Dahil narealize mo na mas mahalagang sinubukan mong patumbahin ang problema at andun sila dinadamayan ka ...

Jackpot na lang yung tumumbang lata dahil tinamaan mo ng tsinelas kasi may ibang paraan pa para manalo at hindi mataya ...

At ganyan sa buhay, wag mong isiping iisa lang ang paraan para ma-solve ang problema, maraming way, pero mahirap kung sosolohin mo ...

Kaya ingatan ang mga kaibigan, manatiling totoo at wag mo rin silang hayaang itumba ang lata mag-isa ...

***cutscene sa tindahan ni Aling Nena***

Pareng Wikipedia: Tumbang Preso pronounced as "tum-bahng preh-so" is a traditional Filipino Children's game. The objective is for the players to hit and knock down the milk can with their pamato (e.g. tsinelas, flipflops, alpombra, rambo, etc.).

Aling Nena: Ngayon alam nyo na kung saan galing ang expression na "Itumba na yan ..." kapag me kaaway ang tropa mo .. kasi nga tulong tulong!

#Random_Tots_ni_FRiL

Monday, September 19, 2016

Sustansya ng Buhay ...

Lahat ng pinagdadaanan natin ay mayroong mas malalim na impact. Tulad ng pagsanay sa atin na kumain ng gulay nung bata pa tayo.

Ngayon ko narealize na minsan kahit kasing pait ng ampalaya o kasing tabang ng upo o kasing tamlay ng sitaw ang sitwasyon mo ... andun ang tunay na sustansiya ng buhay.

Palalakasin ka ng mga ito ... maniwala ka!

#Random_Tots_ni_FRiL

Saturday, August 27, 2016

"Dahan Dahan sa Pinto ..."

"Oist Dahan Dahan sa Pinto ..." 

Isa yan sa madalas na linya ng Lolo ko nung bata pa ako at madalas yan ay pasigaw nyang sinasabi sa akin.

Kung dangan nga ba nama't kasi kapag bata ka ay napakasarap ng pakiramdam nang humahangos ka papasok ng pintuan sa kadahilanang hindi ko rin alam. Ganun ata talaga kapag bata ka, kapag masarap at masaya sa pakiramdam ay hindi mo na kelangan ng dahilan. At kahit mapalo ka pa sa pwet ay okay lang!

Pero ngayong medyo me edad na ako, naisip ko un mas malalim na impact sa likod na madalas na linya ng Lolo ko!

"Dahan Dahan sa Pinto ..." 

Paano nga naman kung me tao sa likod ng pinto? Dahil hindi ka nagdahan dahan ay nakasakit ka.

Tulad ito ng mga desisyon natin sa buhay at mga salitang binibitawan, kung di ka mag-iingat, malamang sa hindi, kahit hindi mo sadya ay makasakit ka ng iba.

At madalas, yung mga mahal pa natin sa buhay ang una nating nasasaktan.

"Dahan Dahan sa Pinto ..." 

Paano kung naka-lock? Eh di humampas lang ang mukha mo sa pintuan sa pagmamadali! At tila ito yung mga sitwasyon na bagama't hindi mo sigurado kung ano ang kalalabasan ay ginawa mo pa rin nang hindi mo muna sinuring maiigi kung uubra ba o hindi ... gorabels lang! kaya ayun sa huli, ikaw lang din ang nasaktan!

"Dahan Dahan sa Pinto ..." 

Kasi minsan tulak ka ng tulak pero pakabig pala ang pagbukas ng pinto! Aminin mo man o hindi, naranasan mo na yan at minsan sa sarili mo pang pintuan! Baket nagkaganun? Siguro eto yun mga panahong magulo ang isip mo at disoriented ka!

Tulad ng mga panahong nagbukas ang pinto ng pagkakataon at hindi mo alam kung ano nga ba ang mas ikakaligaya mo ang manatili sa labas o pumasok sa loob? Tutulak mo ba ito o kakabigin?

Maraming kwento ang bawat bukas at sara ng pintuan ng ating buhay.  Mga tao at pagkakataon na ating tinanggap at pinakawalan. Totoo na walang guarantee na hindi ka magkakamali o makakasakit kahit na magdahan dahan ka pa ng husto, pero atleast, sinubukan mong wag madaliin ang mga bagay bagay na importante at iniwasang makasakit ng iba. Sulit na yun!

***Cut Scene***

Juan: Pare, me dalawang pinto. Yung una, pagbukas mo sasalubungin ka ng dragon na bumubuga ng apoy. Yung Pangalawa, sasalubungin ka ng umaapoy na araw. Saang pintuan ka dadaan?

Pedro: Dun sa sasalubungin ako ng umaapoy na araw pare... pero magpapalipas muna ko ng oras hanggang gumabi. #aba_magaling

#Random_Tots_ni_FRiL

Wednesday, February 3, 2016

Ang Simpleng Katapat

Yay! Ilang days na lang V-day na naman! Araw ng mga puso!

Meron na namang magpapa-skinhead para lang pansinin ng babaeng irog niya.

Me magpapa-tattoo, me magpapa-bura ng tattoo. 

Me aarkila ng banda, magpapabook sa pinakamaingay na club.

Meron ding magpapa-reserve ng table sa pinaka-class na restaurant.

Yung iba naman bibili ng pinaka-malaking toblerone at maghahanap ng pinaka-malaking Teddy Bear.

Yung iba pinaka-malaking boquet ng roses ang drama.

Merong ding magdadala ng pinakamalaking pizza sa mga nililigawan nila.

Merong bibili ng tuta, kuting, lovebirds, parrot, agila, lawin at kung meron lang sigurong nabibiling dragon eh bibili din mapatunayan lang na "uy! effort yan babe."

Nakakatuwang isipin na ganito tayo magmahal. Pero sana, wag tayong maligaw.

Araw ng mga puso. At simple lang ang katapat ... PAGMAMAHAL."

Ansabi nga ng matatanda .. "Those who could enjoy the simple pleasures of life together are the most inlove." at pwede ring banat lang ito ng mga nagtitipid hehehe ... kayo na ang bahalang mag-isip.

Basta sa darating na valentines, hindi mawawala ang isang pirasong rosas ko na pinartneran ng isang supot ng boy bawang para sa pinakamamahal kong asawa.

Adbans Hapi Balentayms Dey Ebriwan!

#Random_Tots_ni_FRiL