Minsan naisip kong i-research kung bakit nga ba nalulukot ang damit? and i ended up reading about polymers, fibers & fabric, transition temperature, crystalline structures, bonds & molecules, etc., etc. (eh di wow! tinigilan ko na yung kalokohan ko at bigla ko na lang na-appreciate ang Downy!)
Pero sa totoo lang, sa dami ng contributing factors kung bakit nalulukot ang damit natin, dapat mong maisip na hindi simpleng ikaw ang may kasalanan kapag lahat sa buhay mo ay lukot at tila walang tigil ang gusot. Uulitin ko maraming factors.
Dahil sadyang ganyan ang buhay, me mga stages, may phases na smooth at meron ding wrinkled. At tulad ng damit, minsan kahit anung gawin mong plantsa, sadyang may mga damit na lukutin. Kahit ilang beses mo nang hinagod, binimpo at winisikan ng tubig ay lukot pa din. At ang masakit minsan no choice ka kung hindi isuot ito kasi ... no choice nga anu ba? paulet-ulet?
Darating kasi talaga yung panahon na kahit ayaw mo puro lukot at gusot talaga ang haharapin mo sa buhay. Kahit kabisado mo pa ang transition temperature ng cotton, linen, cellulose-based fabric, wool at silk. O kahit alam mo pa kung kailan nag-iinterlock ang mga polymers. Wala kang magagawa, magkakalukot at magkakagusot ang buhay.
Pero wala kang dapat ikabahala, tulad ng damit, huhubarin at papalitan mo rin yan sooner or later tapos sa susunod mas gagalingan mo na lahat. Mula sa pagtatambak sa laundry basket, pagpili ng sabon at fabric conditioner, pag-pagpag mula sa dryer, pagsampay ng maayos hanggang sa pagpaplantsa.
At yan ang sense ng lahat ng lukot at gusot na dinadaanan natin, para matuto tayo! Hindi naman simpleng nagconspire ang cosmos para pahirapan ka. Sadyang me proseso lang ang lahat at minsan, sa mga lukot at gusot ng buhay tayo mas natututo.
#Random_Tots_ni_FRiL
No comments:
Post a Comment