"Sir, i'll repeat your order po. That's one Cheese Burger with everything on it, one Large Fries, crispy on the outside and mushy on the inside with lotsa ketchup, and one medium coke, no ice! It will take 20 minutes sir, willing to wait po?"
"Me iba pa ba kong option miss? pwede bang makipag-bargain sa tagal ng paghihintay? o kung babawasan ko ba yung arte sa mga order ko tulad ng crispy on the outside and mushy on the inside mas mapapadali ba ang serving? Hindi ko na nga pinalagyan ng yelo yung coke ko 20 minutes pa din? Bakit kelangan ko pang maghintay? Bakit? Bakeeeeeet?!?!?" sigaw ng isip ko.
Sabay tango, "yes, willing to wait!"
Kasi ganun talaga, kapag alam mo yung gusto mo, willing to wait ka.
Ang tanong, gaano ka katagal maghihintay? Hanggang saan ang kaya mong ibigay? Pano kung sa kalagitnaan ng paghihintay mo biglang hindi pala available yung fries? O di kaya, narealize mo shawarma pala ang gusto mo at hindi burger?
Do you stay committed? Or do you walk away in the midst of waiting? (At bigla kong naalala si Basha, " I already gave 5 years of my life Poy, its about time you give me what I want.")
Opkors yu stay komited di ba? Sayang naman yung pinambayad mo. Bukod sa alam mong gusto mo yung inorder mo. tandaan, Ikaw ang namili nun at hindi ibang tao! Alam mong it will make you happy. Alam mong it's worth the wait! *Supposedly*
Tatlo lang daw ang pwedeng magpabago ng willing to wait status mo!
Una, kapag nagbago bigla yung isip mo (self realization, dahil ang gusto mo pala ay shawarma).
Pangalawa, kapag may nagpabago ng isip mo (third party, at natanaw mo na me Turks sa kabilang dulo ng fudcourt na me malaking poster ni Papa Piolo).
Pangatlo, naprove mo na it's not worth the wait! (disappointments and all, the product was not able to deliver what was advertised)
Ito lang daw ang mga pwedeng maging dahilan for you to walk away. Kasi naisip mo may option naman pala at wapakels ka na sa lahat ng binuhos mong investment sa inorder mo. Kasi nga gutom ka na. Ganun ka-simple. Akala mo luv story ang usapan nu? Hehehe
Pero sa totoo lang, whether you stay or walk away, make sure you choose what makes you happy. Kasi hindi din naman matutuwa yung Cheese Burger kung malungkot mo siyang kakainin at yung shawarma hindi yan nandiyan forever para antaying siya ang pipiliin mo. So make sure na happy ka kung anu man.
At lalong hindi mo pwedeng pagsabayin, bukod sa maiimpatso ka, hindi ka pa masasatisfied, kasi hindi mo alam kung saan ka ba mas nasarapan. O kung saan ka nga ba nabusog? O kung alin nga ba ang mas gusto mo? Teka, pagkain pa ba ang pinag-uusapan natin dito? ahehe
It's best to choose one daw sabi nila.
Pero you have to remember this, no matter, whether you choose to stay or walk away with another, waiting is an inevitable part of the process to be happy and satisfied, kaya matuto at masanay.
"Willing to wait ... minsan sa order, minsan sa forever."
#RandomTots_ni_FRiL
No comments:
Post a Comment