Saturday, July 1, 2017

"Mahahawakan mo lang ... Pero hindi magiging sa'yo ng buong buo!"

Kung bakit nga ba kasi kahit anung gawin mong pagsisikap, gaano mo man paghirapan, magpawis at lumuha ka man ng dugo sadyang mahahawakan mo lang siya, pero hindi siya magiging sa'yo ng buong buo.

Hindi siya magiging sayo ng buong buo, kasi ang malaking parte niya ay nakalaan para sa iba.  Madalas, pakiramdam mo, barya barya na lang ang naiiwan sayo. Nakakalungkot. Pero tanggap mo. Kesa wala.

Hanggang kailan ganito? Hindi natin alam. Walang nakakaalam niyan eh.

Sino ang dapat sisihin? Lalong hindi ko alam. Sadya sigurong ganyan ang buhay.

Tanggap ko naman na talaga, pero bakit hanggang ngayon ansaket saket pa din?

Kasi mahal mo. Sino ba ang nagmahal at hindi naghangad na mahalin din siya ng buong buo? Lahat naman tayo yan ang pinangarap.

At muli uulitin ko, malaking parte niya ay nakalaan sa iba. Maaring hawak mo, pero kahit kelan, hindi siya magiging sa'yo ng buong buo!

#Kwentong_Sahod - "Isang malupet na hugot tuwing akinse at katapusan."

#RandomTots_ni_FRiL

Saturday, June 24, 2017

"Willing to Wait!"

"Sir, i'll repeat your order po. That's one Cheese Burger with everything on it, one Large Fries, crispy on the outside and mushy on the inside with lotsa ketchup, and one medium coke, no ice! It will take 20 minutes sir, willing to wait po?"

"Me iba pa ba kong option miss? pwede bang makipag-bargain sa tagal ng paghihintay? o kung babawasan ko ba yung arte sa mga order ko tulad ng crispy on the outside and mushy on the inside mas mapapadali ba ang serving? Hindi ko na nga pinalagyan ng yelo yung coke ko 20 minutes pa din? Bakit kelangan ko pang maghintay? Bakit? Bakeeeeeet?!?!?" sigaw ng isip ko.

Sabay tango, "yes, willing to wait!"

Kasi ganun talaga, kapag alam mo yung gusto mo, willing to wait ka.

Ang tanong, gaano ka katagal maghihintay? Hanggang saan ang kaya mong ibigay? Pano kung sa kalagitnaan ng paghihintay mo biglang hindi pala available yung fries? O di kaya, narealize mo shawarma pala ang gusto mo at hindi burger?

Do you stay committed? Or do you walk away in the midst of waiting? (At bigla kong naalala si Basha, " I already gave 5 years of my life Poy, its about time you give me what I want.")

Opkors yu stay komited di ba? Sayang naman yung pinambayad mo. Bukod sa alam mong gusto mo yung inorder mo. tandaan, Ikaw ang namili nun at hindi ibang tao! Alam mong it will make you happy. Alam mong it's worth the wait! *Supposedly*

Tatlo lang daw ang pwedeng magpabago ng willing to wait status mo!

Una, kapag nagbago bigla yung isip mo (self realization, dahil ang gusto mo pala ay shawarma).

Pangalawa, kapag may nagpabago ng isip mo (third party, at natanaw mo na me Turks sa kabilang dulo ng fudcourt na me malaking poster ni Papa Piolo).

Pangatlo, naprove mo na it's not worth the wait! (disappointments and all, the product was not able to deliver what was advertised)

Ito lang daw ang mga pwedeng maging dahilan for you to walk away. Kasi naisip mo may option naman pala at wapakels ka na sa lahat ng binuhos mong investment sa inorder mo. Kasi nga gutom ka na. Ganun ka-simple. Akala mo luv story ang usapan nu? Hehehe

Pero sa totoo lang, whether you stay or walk away, make sure you choose what makes you happy.  Kasi hindi din naman matutuwa yung Cheese Burger kung malungkot mo siyang kakainin at yung shawarma hindi yan nandiyan forever para antaying siya ang pipiliin mo.  So make sure na happy ka kung anu man.

At lalong hindi mo pwedeng pagsabayin, bukod sa maiimpatso ka, hindi ka pa masasatisfied, kasi hindi mo alam kung saan ka ba mas nasarapan. O kung saan ka nga ba nabusog? O kung alin nga ba ang mas gusto mo? Teka, pagkain pa ba ang pinag-uusapan natin dito? ahehe

It's best to choose one daw sabi nila.

Pero you have to remember this, no matter, whether you choose to stay or walk away with another, waiting is an inevitable part of the process to be happy and satisfied, kaya matuto at masanay.

"Willing to wait ... minsan sa order, minsan sa forever."

#RandomTots_ni_FRiL

Thursday, April 27, 2017

"The Sisig Ambiguity ..."


"Isang sisig nga po for take out!" Then one starts to wonder, ulam or pulutan?

And the truth is Sisig is just as confused as heck as we all are.

Sisig was supposed to be as manly as those tattooed tambays in the kanto downing on gin-kalamansi, able to keep a straight face without even the slightest flinch on every chug of tagay.

That's how astig the Sisig's primal course of fate was, in fact, even the physics of sound will not allow you to utter the word sisig in any sweet tone nor manner (you tried, didn't you? admit it, it does not sound right does it?). Vocal chords revs up with vibrating roughness at every mention of sisig as if telling everyone to shut up, sit down and listen.

But then, time changes all things, and even this commanding pulutan general was not an exemption. Just like you, me and how we feel for each other. Now, there's only a cloud of confusion, no doubts about love, but confusion if it's me you truly love or him who stands secretly in the dark. *hugot*

The rowdy Sisig became a canteen dish, a flag carrier of group meals, was labeled a pinoy comfort food and was even considered perfect for stress eating too. The sili became optional. The calamansi too. Raw eggs cooking atop a sizzling sisig became a sight to behold. And as much as his kapampangan roots wanted to stay truly pinoy, he was westernized by a slab of mayonnaise.

People does not even know anymore that sisig means "to make sour". Here he was adorned with different spices and ingredients when all he knew was this, he is at his best given the simplest of recipe.

Sisig became a crowd pleaser in his disdain. Gents, Ladies, young and old.  Yet, over the years, through all the confusion, he tried to understand and learn.

Aaah, perhaps this is life.

Though he was supposed to be in the ranks of Spain's Tapas, France's Escargot, Canada's Poutine, Russia's Vobla, Scotland's Haggis and many other gastropub foods around the world, Sisig learned to adapt, evolve and exist to exceed his known identity, realizing that at times, one's purpose is greater than one's identity.

*with glass raised*

Here's a toast when you are confronted with the same Sisig Ambiguity in life, i wish you courage to lose your identity to live out your purpose bravely, and regain back an improved version of yourself along the process.

*Kampai*


#RandomTots_ni_FRiL

Saturday, November 5, 2016

"Padeeptots ng Damit na Lukot ..."

Minsan naisip kong i-research kung bakit nga ba nalulukot ang damit? and i ended up reading about polymers, fibers & fabric, transition temperature, crystalline structures, bonds & molecules, etc., etc. (eh di wow! tinigilan ko na yung kalokohan ko at bigla ko na lang na-appreciate ang Downy!)

Pero sa totoo lang, sa dami ng contributing factors kung bakit nalulukot ang damit natin, dapat mong maisip na hindi simpleng ikaw ang may kasalanan kapag lahat sa buhay mo ay lukot at tila walang tigil ang gusot. Uulitin ko maraming factors.

Dahil sadyang ganyan ang buhay, me mga stages, may phases na smooth at meron ding wrinkled. At tulad ng damit, minsan kahit anung gawin mong plantsa, sadyang may mga damit na lukutin. Kahit ilang beses mo nang hinagod, binimpo at winisikan ng tubig ay lukot pa din. At ang masakit minsan no choice ka kung hindi isuot ito kasi ... no choice nga anu ba? paulet-ulet?

Darating kasi talaga yung panahon na kahit ayaw mo puro lukot at gusot talaga ang haharapin mo sa buhay. Kahit kabisado mo pa ang transition temperature ng cotton, linen, cellulose-based fabric, wool at silk. O kahit alam mo pa kung kailan nag-iinterlock ang mga polymers. Wala kang magagawa, magkakalukot at magkakagusot ang buhay.

Pero wala kang dapat ikabahala, tulad ng damit, huhubarin at papalitan mo rin yan sooner or later tapos sa susunod mas gagalingan mo na lahat. Mula sa pagtatambak sa laundry basket, pagpili ng sabon at fabric conditioner, pag-pagpag mula sa dryer, pagsampay ng maayos hanggang sa pagpaplantsa.

At yan ang sense ng lahat ng lukot at gusot na dinadaanan natin, para matuto tayo! Hindi naman simpleng nagconspire ang cosmos para pahirapan ka. Sadyang me proseso lang ang lahat at minsan, sa mga lukot at gusot ng buhay tayo mas natututo.

#Random_Tots_ni_FRiL

Thursday, October 20, 2016

"Puto at Dinuguan . . ."

There are things we could enjoy but not to perfection unless with the perfect partner, just like Dinuguan could go well with rice but incomparable when paired with Puto.

Indeed, we need that special someone to complement us to fullness, no matter how stark the contrast maybe.

~~~cutscene~~~

Hinahanap mo yung puto sa picture anu? Ganyan yung feeling hangga't hindi mo pa nakikita yung one trulab mo ... incomplete.

#Random_Tots_ni_FRiL

"Tumbang Preso ..."

Ang buhay ay isang malaking laro ng tumbang preso ...

Kailangan mo ng mga kaibigan na matutuwa tuwing mapapatumba mo yung lata ...

Mapapabilib kapag natakasan mo yung bantay ...

At higit sa lahat yung kakampi mo sa bawat hagis ng tsinelas na minsan hindi na mahalaga kung mapatumba mo ang lata o hindi ...

Dahil narealize mo na mas mahalagang sinubukan mong patumbahin ang problema at andun sila dinadamayan ka ...

Jackpot na lang yung tumumbang lata dahil tinamaan mo ng tsinelas kasi may ibang paraan pa para manalo at hindi mataya ...

At ganyan sa buhay, wag mong isiping iisa lang ang paraan para ma-solve ang problema, maraming way, pero mahirap kung sosolohin mo ...

Kaya ingatan ang mga kaibigan, manatiling totoo at wag mo rin silang hayaang itumba ang lata mag-isa ...

***cutscene sa tindahan ni Aling Nena***

Pareng Wikipedia: Tumbang Preso pronounced as "tum-bahng preh-so" is a traditional Filipino Children's game. The objective is for the players to hit and knock down the milk can with their pamato (e.g. tsinelas, flipflops, alpombra, rambo, etc.).

Aling Nena: Ngayon alam nyo na kung saan galing ang expression na "Itumba na yan ..." kapag me kaaway ang tropa mo .. kasi nga tulong tulong!

#Random_Tots_ni_FRiL

Monday, September 19, 2016

Sustansya ng Buhay ...

Lahat ng pinagdadaanan natin ay mayroong mas malalim na impact. Tulad ng pagsanay sa atin na kumain ng gulay nung bata pa tayo.

Ngayon ko narealize na minsan kahit kasing pait ng ampalaya o kasing tabang ng upo o kasing tamlay ng sitaw ang sitwasyon mo ... andun ang tunay na sustansiya ng buhay.

Palalakasin ka ng mga ito ... maniwala ka!

#Random_Tots_ni_FRiL