Ang tunay na pagibig daw ay walang pinagkaiba sa kwento ng isang patatas na na-inlab sa isang makinis at mamula-mulang Kamatis. Hindi bagay. Awkward. Walang connect at higit sa lahat off sa compatibility chart ratings!
Pero hindi nagpahadlang si Mr. Patatas, alam nyang kelangann nya ng pogi points para mapansin ni Bb. Kamatis kaya pinili nyang maging isang french fries.
At ganyan daw ang tunay na nagmamahal. Handang magbago. Handang sumubok. Handang mawala ang ibang parte sa buhay nila para sa sinisinta!
Sa pelikula at pocketbook lang naman daw kasi nagkakatotoo ang "i love you just the way you are!"
Dahil ang totoo, ang "love" ine-effort yan.
At kung sakaling isa ka sa mga pinalad na makahanap ng "just the way you are" na pagmamahal, hindi ba at parang unfair naman kung hindi ka man lang mag-effort para maging mas mabuting ka-loveteam ng sa gayon ay mas maging match kayo sa maraming aspeto!
Hindi hinihingi ng love na baguhin mo ang buong pagkatao mo pero kung tila ikaw ay ikaw pa rin habang nasa isang relasyon, malamang daw hindi ito tunay na pag-ibig.
Bb. Kamatis: Awww .. para sa akin pinili mong maging isang french fries?
At kinumpleto ni Bb. Kamatis ang konsepto ng "trulab" ng pinili nyang maging isang ketchup.
"Love makes us better ..." ~ Paulo Coelho
#RandomTots_ni_FRiL
#inspired_by_FrenchFriesKetchup_Story
Thursday, June 26, 2014
Tuesday, June 17, 2014
"Tatay's Day ..."
Mga ilang senyales na tatay ka na ...
Kabisado mo ang theme song ng frozen na let it go at alam mong gusto ni olaf ang warm hugz!
Mas maraming laman na cartoons ang external hard disk mo kesa sa mga gusto mong action movies!
Muli mong naunawaan ang halaga ng kendi, sorbetes, excuse me, sorry at please.
Kapag nalilito ka kung papaluin mo o tatawanan mo na lang ang mga naughty moments ng anak mo.
Kapag kasama na sa mga pahunks mong porma ang six pocket na lonta mo kung saan ang kanang bulsa ay may baby wipes at ang kaliwa naman ay may nakasukbit na dede ng gatas.
Kilala ng mga chikiting mo ang buong tropa kasi mas pinili mo na lang na tumambay kayo sa bahay kesa lumabas at iwanan sila.
Naunawaan mo na para maging mabuting tatay ... kelangan mong maging mabuting asawa.
Kapag masaya ka ng makipapak ng french fries para lang mabilan sila ng Happy Meal.
Maraming iba't ibang uri ng senyales ang pagiging tatay at wala itong perfect game plan.
Hindi mahalaga kung fans ka ng miami o spurs at hindi requirement na mahilig ka magbasketball.
Hangga't sinusubukan mong maging mabuting ama at patuloy na humihingi ng gabay sa Panginoon ... pasok ka sa category na "Best Dad in the World!!!"
Noong nakaraang Father's Day:
Cheska: Dada dahil father's day ngayon you can watch what you like!
Napangiti ako ... sabay salang ng Shrek. ;)

Thursday, June 12, 2014
"Kalayaan ... Pakipulot Please!"
Isang daan at labing anim na taon ng kalayaan mula ng nagpunit ng sedula ang ating mga bayani bilang simbolo nang pag-aaklas laban sa mga mapang-aping kastila.
Ang tanong ... sino kaya ang nagpulot at naglinis ng mga punit nilang sedula?
Minsan naisip ko kung nabanggit sana ni Agoncillo o Zaide sa mga history books nila ang parteng ito ay malamang buhay pa ang Pasig River.
Siguro kung nabigyan ng emphasis na nilinis naman ng mga katipunero yung nagkalat nilang pira pirasong sedula ay naging isang malaking inspirasyon ito sa bawat Juan Dela Cruz upang panatilihing malinis ang ating Inang Bayan.#may_padeeptots_po_yan
Kung sisimulan lang siguro natin yung simpleng disiplina ng pagiging responsable sa mga kalat natin ... malaki ang ipagbabago ng bayan nating mahal.
"Ang Basurang itinapon mo ... Babalik din sayo!" #Pork_Barrel_Scandal
Maligayang Araw ng Kalayaan Pilipinas
#Three_Stars_And_A_Sun

Monday, June 2, 2014
"Walang Ending ...."
Alam nyo ba na "Gulong ng Palad" ang kauna-unahang radio soap opera na narinig sa Pinas taong 1949 at "Hiwaga sa Bahay na Bato" naman ang kauna-unahang soap opera sa telebisyon taong 1963.
Ang TV adaptation ng "Gulong ng Palad" ay tumagal mula 1977 hanggang 1985 sa BBC2 na kilala natin ngayon bilang ABS-CBN. Dito ata nag-umpisa ang pagkahilig nating mga pinoy sa pagsubaybay sa mga teleserye.
"Pangako Sa'yo" ni Echo at Kristine ang kauna-unahang modern soap opera na gumamit ng term na "teleserye". Ang "Mara Clara" naman daw ang pinakasikat sa lahat kahit inabot ng halos dalawang buwan bago masampal ni Mara si Clara #hantagal_men. Ang "Flor De Luna" ng RPN9 naman ay considered na isang classic soap starring Janice De Belen na actually ay unang inalok kay Julie Vega.
#Teleserye ...
Bawat isa sa mga nasubaybayan natin ay may kanya kanyang marka. Either mahal na mahal natin yung mga bida or hate na hate natin yung kontrabida.
#Teleserye ...
Parte na ng ating daily routine. Inaabangan. Kinasasabikan. Pinaglalaanan ng oras.
#Teleserye ...
Kahit alam nating anytime pwedeng mag-ending, hopeful tayo na ma-extend nang ma-extend ang bawat kabanata.
#Teleserye
Ganyan ang mga kaibigan mo kapag nasa abroad ka. Me lifespan, me duration. Kahit ayaw niyong matapos, isang araw bigla na lang "last episode" na pala. Kelangan nang umuwi ng Pinas ang isa sa kanila.
Kahit masaya ka dahil makakasama na nila ulet ang pamilya nila, hindi mo maiwasang malungkot deep inside. Kasi me isang parte ng puso mo ang biglang nabakante. Ang mga araw na sabik mong inaabangan kung ano ang susunod na mangyayari ay biglang naging farewell episode.
Me kirot sa puso ang mga ganitong tagpo dahil sa totoo lang ... mahirap makahanap ng tunay na kaibigan dito sa ibang bansa.
Pero tulad ng isang teleserye na nag-last episode, wala man bagong kaganapan ay hinding hindi mo makakalimutan ang mga nagdaang araw na puno ng asaran, tawanan, iyakan, tampuhan at lambingan. Mga araw na nagpatunay na hindi ka nag-iisa at may pamilyang nagmamahal sa'yo kahit hindi kayo magkakadugo.
"Pre, me naisip ka na bang cut scene na pangtapos sa blog na'to?"
"Wala pa pre ... siguro isa ito sa mga blog ko na walang ending ... "
(Para kay Micai at Rommel at iba pang kaibigan na naging parte ng aming pamilya dito sa lupain ng mga Emirati ...)
RandomTots_ni_FRiL

Subscribe to:
Posts (Atom)