Alam nyo ba na "Gulong ng Palad" ang kauna-unahang radio soap opera na narinig sa Pinas taong 1949 at "Hiwaga sa Bahay na Bato" naman ang kauna-unahang soap opera sa telebisyon taong 1963.
Ang TV adaptation ng "Gulong ng Palad" ay tumagal mula 1977 hanggang 1985 sa BBC2 na kilala natin ngayon bilang ABS-CBN. Dito ata nag-umpisa ang pagkahilig nating mga pinoy sa pagsubaybay sa mga teleserye.
"Pangako Sa'yo" ni Echo at Kristine ang kauna-unahang modern soap opera na gumamit ng term na "teleserye". Ang "Mara Clara" naman daw ang pinakasikat sa lahat kahit inabot ng halos dalawang buwan bago masampal ni Mara si Clara #hantagal_men. Ang "Flor De Luna" ng RPN9 naman ay considered na isang classic soap starring Janice De Belen na actually ay unang inalok kay Julie Vega.
#Teleserye ...
Bawat isa sa mga nasubaybayan natin ay may kanya kanyang marka. Either mahal na mahal natin yung mga bida or hate na hate natin yung kontrabida.
#Teleserye ...
Parte na ng ating daily routine. Inaabangan. Kinasasabikan. Pinaglalaanan ng oras.
#Teleserye ...
Kahit alam nating anytime pwedeng mag-ending, hopeful tayo na ma-extend nang ma-extend ang bawat kabanata.
#Teleserye
Ganyan ang mga kaibigan mo kapag nasa abroad ka. Me lifespan, me duration. Kahit ayaw niyong matapos, isang araw bigla na lang "last episode" na pala. Kelangan nang umuwi ng Pinas ang isa sa kanila.
Kahit masaya ka dahil makakasama na nila ulet ang pamilya nila, hindi mo maiwasang malungkot deep inside. Kasi me isang parte ng puso mo ang biglang nabakante. Ang mga araw na sabik mong inaabangan kung ano ang susunod na mangyayari ay biglang naging farewell episode.
Me kirot sa puso ang mga ganitong tagpo dahil sa totoo lang ... mahirap makahanap ng tunay na kaibigan dito sa ibang bansa.
Pero tulad ng isang teleserye na nag-last episode, wala man bagong kaganapan ay hinding hindi mo makakalimutan ang mga nagdaang araw na puno ng asaran, tawanan, iyakan, tampuhan at lambingan. Mga araw na nagpatunay na hindi ka nag-iisa at may pamilyang nagmamahal sa'yo kahit hindi kayo magkakadugo.
"Pre, me naisip ka na bang cut scene na pangtapos sa blog na'to?"
"Wala pa pre ... siguro isa ito sa mga blog ko na walang ending ... "
(Para kay Micai at Rommel at iba pang kaibigan na naging parte ng aming pamilya dito sa lupain ng mga Emirati ...)
RandomTots_ni_FRiL

No comments:
Post a Comment