Ang tunay na pagibig daw ay walang pinagkaiba sa kwento ng isang patatas na na-inlab sa isang makinis at mamula-mulang Kamatis. Hindi bagay. Awkward. Walang connect at higit sa lahat off sa compatibility chart ratings!
Pero hindi nagpahadlang si Mr. Patatas, alam nyang kelangann nya ng pogi points para mapansin ni Bb. Kamatis kaya pinili nyang maging isang french fries.
At ganyan daw ang tunay na nagmamahal. Handang magbago. Handang sumubok. Handang mawala ang ibang parte sa buhay nila para sa sinisinta!
Sa pelikula at pocketbook lang naman daw kasi nagkakatotoo ang "i love you just the way you are!"
Dahil ang totoo, ang "love" ine-effort yan.
At kung sakaling isa ka sa mga pinalad na makahanap ng "just the way you are" na pagmamahal, hindi ba at parang unfair naman kung hindi ka man lang mag-effort para maging mas mabuting ka-loveteam ng sa gayon ay mas maging match kayo sa maraming aspeto!
Hindi hinihingi ng love na baguhin mo ang buong pagkatao mo pero kung tila ikaw ay ikaw pa rin habang nasa isang relasyon, malamang daw hindi ito tunay na pag-ibig.
Bb. Kamatis: Awww .. para sa akin pinili mong maging isang french fries?
At kinumpleto ni Bb. Kamatis ang konsepto ng "trulab" ng pinili nyang maging isang ketchup.
"Love makes us better ..." ~ Paulo Coelho
#RandomTots_ni_FRiL
#inspired_by_FrenchFriesKetchup_Story
No comments:
Post a Comment