Thursday, May 29, 2014

"Back to the Future ..."

"Hindi ka time traveler ..."

Stop going back to the past when it comes to people around you! Hindi na sila nakatira dun, change address na sila. Hindi ka ba na-inform?

And never predict another person's future ... hindi mo hawak un! Unless hindi namin alam na ikaw pala ang titan god of time na si Kronos.

Kung patuloy mong babalikan ang nakaraan ng isang tao o di kaya ay patuloy na huhusgahan ang kanyang magiging kinabukasan anu nga ba ang mapapala mo? Tama. Wala.

"Kasi nga hindi ka Time Traveler ..."

Walang mababago ang pagbisita mo sa nakaraan at panghuhula mo sa kinabukasan. Ang sad sad davah! #Ala_Kris_Aquino_Tone

Sa mga panahon na tila tayo isang time traveler hindi mo ba napansin how empty our days feel? Parang isang malaking void of emptiness ang bawat araw na ganito.

KASI WALA KANG "NOW!". WALA KANG "PRESENT!". WALA KANG "TODAY!"

How could you be filled with something that has gone already? (PAST).

And how could you be filled with something that is not yet here? (FUTURE).

Tandaan! Prerequisite ng isang happy at contented life ang mabuhay sa PRESENT! And that's how the best of relationships are built. To live in the now! To care in the now! To love in the now!

(Sa isang time machine ticket booth ...)

"Ate, isang roundtrip time travel ticket nga po at isang one way!"

"Baket one way lang yung isa? Pano babalik yang kaibigan mo?"

"Iiwan ko na sa past yan 'te ... Para magkaroon ako ng future!"

RandomTots_ni_FRiL

Wednesday, May 28, 2014

"Nakita Ko Na ..."

One time binabrowse ni wifey yung brochure ng carrefour ...

Wifey: Ui! Andaming magandang sale bebe ko!!!

Ako: Sige checkan mo lang ng checkan!

Wifey: Wow! Talaga?

Ako: Uu nga. Ako na bahala mag-ekis mamaya! Hahaha.

Wifey: Hmp .. Tse!!!

At pasimple akong napangiti ...

"Nakita ko na ... Ang babaeng iinisin ko habang buhay!"

RandomTots_ni_FRiL


"Wash yer name again ..."

"Hi Prilbert!!"

"Ser, it's frilbert!"

"Oh sorry, frilvert!"

#Aguy #Zavlay_faren

Minsan di ko rin lubos maisip kung baket nauwi ako sa pangalang yan!

Bata pa lang ako problema na ang magpakilala sa klase.

"Anu ulet name mo klasmeyt?" 

Ahhh, ewan ko senyo!

Buti pa si MARK kahit ngongo kering keri bigkasin un name nya.

Si JOHN swerte din. Malabong ma-slang mo pa yan.

O kaya JAY. Maiksi, conscise. Walang kahirap hirap. Matipid sa tinta. Matipid sa papel.

Haist! Ako FRILBERT.

Pero ika nga nila, nung pinanganak ka eh nagconspire ang buong cosmos para maging pangalan mo un pangalan mo ngayon! At wala kang magagawa dun! Cosmos ang nagdesisyon!

Siguro isipin mo na lang na me purpose kung baket taglay natin ang pangalan naten. Kung ang nunal mo nga sa kaliwang wet ... wet armpit mo eh me meaning, pangalan mo pa!

In my case, un pangalan ko ang naging way para maging sociable ako tuwing ipapaulit un name ko. "Frilbert!" Para maging polite. "Frilbert po!" Para maging patient. "errr ... Frilbert nga po!" Para maging pa-cute. ~ yeah! it's frilbert with an "ef"

Kaya maski ganyan ang pangalan ko, luvz ko yan! Di lang maiwasan magreklamo minsan dahil natural na ata sa tao un pero tenkyu sa gwapings ko na tatay at pretty na nanay dahil tila nireserba ng cosmos ang pangalan ko para wala akong kaagaw sa mga email ids at usernames. #ohyeah

"Wash yer name again?"

"Wash mo rin name mo! ke ayuz ayuz ng pangalan ko papahugasan mo!"

(isang classic na joke na narinig ko mula sa aking mga tiyuhin habang sila ay nagpapasahan ng baso ...)

P.S. Ang blog na ito ay isang pasasalamat sa aking mga mahal na magulang. #SALAMAT_PO #labyu_both #mwuah

RandomTots_ni_FRiL

"Steady ka lang ..."

Alam nyo ba na malaki ang chances to stay connected sa isang wifi network kahit very poor ang signal nito basta steady ka lang.

And just the same, at your poorest and weakest state, sabi ni Lord steady ka lang and stay connected to Him kasi sagot ka nya!

Maniwala ka sabi ni Lord yan!

Exodus 14:14 ~ "The LORD will fight for you; you need only to be still."

"sabi sa'yo eh .. steady ka lang!"

RandomTots_ni_FRiL

Monday, May 26, 2014

Pa-deeptots ng isang Buffet Halo-Halo ...

"Kayo po ang gagawa o igagawa ko po kayo ser?"

Yan ang tanong saken ni Ate (service crew) last nite sa isang pinoy resto na me promong "make your own halo halo!"

Si ate talaga oh, make your own nga eh! Buffet halo halo kaya dapat self service. Buong pilosopo kong pangangatwiran sa aking isipan.

"Kami na lang po ang gagawa 'te!" ang sagot ko na nakangiti para kunyari mabait at upang itago ang maitim kong plano na sulitin ang ibabayad na 10 Dirhams. #grin

"Sense of Self-Entitlement." yan un pakiramdam na binigyan ka ng chance to have the authority to do as you will sa mga sitwasyong usually wala kang control. Isang masarap na feeling. Medyo negatibo kung tutuusin, pero sino ba ang aayaw sa mga pagkakataong tila "no rules" ang tema lalo na kung halo halo ang pag-uusapan.

Kaya ... Let the buffet halo halo begin!

Maingat kong tinakal ang mga sahog.

Pipiliin ko sana yung mga sahog na gusto ko lang lalo na ang minatamis na saging, pero naisip ko, anu naman ang sense ng halo halo kung me isang partikular na sahog lang akong pupuruhan. eh di sana nag saging con yelo na lang ako.

kaya ayun, lahat ng makita kong sahog maski isa o dalawang butil man lang eh nilagay ko sa baso ko.

Hindi ko alam sa puntong ito kung sinusulit ko ang bayad o sadyang P.G. mode lang ako nung gabing iyon.

Kaya ayun ang ending, mahigit 3/4 ng baso ko ay sahog.

Halos hindi ko na matakalan ng yelo to the point na bawat lagay ko ng yelo ay tumatapon ang sabaw ng mga sahog na pinaglalagay ko.

Hindi ko na rin malagyan ng gatas. Simpleng umaagas lang sa gilid ng baso ko ang bawat buhos nito.

At dahil magkalayo ang station ng yelo at gatas sa station ng lechen flan, halayang ube at kung anu ano pang toppings ay kinailangan akong maglakad.

Sige ang tapon ng sabaw ng halo halo ko sa bawat hakbang ng paa. Pasimpleng sinulyapan ko si Ate service crew, medyo salubong na ang kilay nya. Inis malamang sa nagkalat na tulo ng sabaw mula sa aking baso.

Haist. Kahiya-hiya. Kalunos-lunos. Kahindik hindik.

At ang ending isang baso ng halo-halo na puno ng sahog pero tila ice tubig sa tabang.

At sa sobrang siksik ... ang halo-halo ko hindi ko mahalo halo! #hu_hu_hu

Pulang pula ako sa kahihiyan habang sinusubukang imix ito habang ang misis ko at mga kaibigan namin ay pulang pula din sa kakatawa sa akin! #ha_ha_ha #kala_nyo_nakakatuwa_ha #me_araw_din_kayo #hmp

Haist. Sadya atang totoo na hindi porke't nakalamang ka eh magiging masaya ka. Delikado pala ang sense of self-entitlement.  Mahalaga pa rin palang alam mo ang limits and you stick to it para hindi messy ang buhay! #padeeptots

Kaya sa susunod na tanungin ako ni ate service crew alam ko na ang isasagot!

"Ate pakigawa na lang ako pleeeeeaaase!" with matching pungay ng mata!

RandomTots_ni_FRiL

Thursday, May 22, 2014

"Tikman ang Lugaw ..."

Customer: Waiter, tikman mo nga itong lugaw ko!
Waiter: Ser, baket po? malamig na ba?

Customer: Basta, pakitikman naman oh!
Waiter: Eh Ser, me problema po ba sa timpla?

Customer: Tikman mo na lang kasi.
Waiter: Sige na nga ser, tikman ko na nga! Asan po yung kutsara?

Customer: Ayun nga eh ... asan ang kutsara?

#BoomPanes ... akalain mo wala palang kutsara!

At minsan ganyan tayo! Parang isang waiter na tanong ng tanong kung ano ang problema pero hindi naman talaga nakikinig dahil ayaw nating aminin na tayo ang may pagkukulang!

Maraming problema ang madaling matatapos kung sa una pa lang ay solusyon na ang ating titignan imbes na maghanap ng pwedeng sisihin.

"Nung mayaman kami madalas kaming magkamay, ngayong naghihirap kami natuto kaming magkutsara ... mahirap pala kasing kamayin ang lugaw lalo kung mainit."


RandomTots_ni_FRiL


"Plus One ... "

Ang simpleng equation ng buhay "Plus One" ...

Kaya nga ata every year ang celebration ng birthday ... another year wiser ... Plus One!

Sa ating relasyon ... dapat "Plus One" lang .. kung higit sa isa asahan mo masakit sa ulo!

Sa ating mga pagkakamali sa buhay ... dapat daw kung nadapa ka ng syamnaputsyam na beses dapat ay bumangon ka ng isang daang beses ... "Plus One"

Yung mga pangarap natin sa buhay minsan ay parang pag-aantay ng dyip ... lagi mong sasabihing isang antay na lang bago ka magdesisyong sumuko at umuwi ... "Plus One"

At bago ka tuluyang magalit sa isang tao ... bago ka mag-giveup ... bigyan mo pa ng isang pagkakataon ... isang hirit pa ... isang tiis pa .. dahil minsan andun ung tunay na pag-ibig.


"Plus One"

RandomTots_Ni_FRiL

Wednesday, May 21, 2014

"Buffer ... errrr"

One time nag-away kami ni wifey, matic syempre na walang kibuan. Nakakabingi ang katahimikan.

Tahimik syang nagluluto sa kusina, tahimik akong nanonood ng TV sa sala.

Nakakailang. Weekend pa naman. Unang araw ng two days off ko. Kung hindi ako magda-damoves, malamang magmistulang pyesta ng panis na laway ang aabutin namin.

Buti na lang at biglang naghashtag ng #lightbulb ang aking isipan.

#BACKGROUND_MUSIC.

Pinopup ko ang searchbox ng youtube sa aking celfon sabay type "it might be you" at voila ... heto na ang aking pamatay na background music.

Pinause ko muna ang video habang dahan dahang lumapit kay wifey.

Mula sa kanyang likuran, niyakap ko sya ng aking kanang kamay, habang pineplay ko ang celfon ko sa kaliwa at nagumpisang tumugtog ang malupet kong background music.

Sumandal si wifey sa akin at unti unting humilig ang kanyang ulo sa aking leeg.

Biglang napahashtag ang aking puso ... #epektib.

At dahil mahaba ang intro ng themesong namin, pikit mata kong ninamnam at inabangan ang unang stanza pero ....

"errrrr ..."

Nawala ang background music, huminto ang kanta .... Waaaaaaah ... nagbuffer ang youtube! Hmp. #Hanubayan

#Buffer ...

Ganito madalas ang eksena ng ating buhay. Matapos ang mahabang soul searching ika nga, oras na masumpungan mo at maumpisahan ang bagay na siga
w ng puso mo ay tila bigla na lang hihinto ang progreso, parang sasakyang nastuckup sa traffic, biglang ayaw umusad.

#Buffer ...

Mga moments na hindi mo alam kung me mangyayari pa ba o panahon na para palitan ang playlist ng buhay mo.

#Buffer ...

Isang munting proseso na ang design ay hindi para asarin ka kung hindi para idoublecheck ang laman ng puso mo! Kasi you either wait, change your selection or start all over again.

Ito ang reyalidad ng buhay. Kasama ang paghihintay. Laging me buffer kahit gaano ka pa naghandang mabuti.

Siguro, sa mga panahong buffer ang hashtag ng sitwasyon natin at wala tayong magawa, i-enjoy na lang natin kung saan man tayo nahinto dahil for sure kasama yan sa grand design para marating mo ang tunay mong patutunguhan.

Wifey: Oh ... anung nangyari sa music mo?
Ako: Nagbuffer .. hayaan mo na, mahalaga yakap na kita!


Sabay muling tumunog ang celfon ko "Time, i've been passing time watching trains go by ... all of my life!" #Awwwwwwww

RandomTots_Ni_FRiL

Tuesday, May 20, 2014

"Kusina ni Wifey ..."


"I'm a food person ..." sosyal pakinggan anu? Pero ang totoo nyan, matakaw lang talaga ako. LoLz!

That is why i have always been thankful having a wife who really knows how to work up her magic in the kitchen.

Almusal, Brunch, Tanghalian, Merienda, Dinner, MidnaytSnak at snacks bago matulog (opo, magkaiba yun! hehe)

And the thing i love the most is that we get to share this wonderful gift of my wife with our family and friends.

Walang sawa niya kaming pinagluluto. Birthdays, Anniversaries, Monthsaries, Binyag, Kumpil, kapag me napromote, kapag me nademote, welcome party, despedida, kapag lumalablayf ang tropa, kapag me brokenhearted, etc. etc.

And everytime she does, it will always be a hearty meal. Kasi she knows how to make FOOD as a medium of LOVE. Astig di ba?

Sabi ng wife ko, anybody can cook, and yes that is true.

But she doesn't only know how to cook ... more essentially is she knows when to cook!

She knows those moments na kailangan ang food to celebrate life even without any particular occassion, moments na need ang food to comfort a person, those moments that food will strengthen the bond of friendship.

And that to me is a gift, a talent, that not all of us have.  A talent of my wife that i will always be thankful for.

And with that, if you are married to a woman who tirelessly cook for you day in and day out ... don't forget to appreciate her kahit pritong itlog lang yan or instant noodles, dahil cooking will always be one of their medium of love para sa atin.

P.S.
Minsan naisip ko kung biglang malayo sa akin si wifey, malamang para akong timang na magtatanong sa karinderya ng ganito ...

"Manang, ang tinda nyo bang ulam dito ay may sangkap na pagmamahal?" (sabay iwas sa binatong kutsaron ni manang...)

#RandomTotsNi_FRiL