Monday, May 26, 2014

Pa-deeptots ng isang Buffet Halo-Halo ...

"Kayo po ang gagawa o igagawa ko po kayo ser?"

Yan ang tanong saken ni Ate (service crew) last nite sa isang pinoy resto na me promong "make your own halo halo!"

Si ate talaga oh, make your own nga eh! Buffet halo halo kaya dapat self service. Buong pilosopo kong pangangatwiran sa aking isipan.

"Kami na lang po ang gagawa 'te!" ang sagot ko na nakangiti para kunyari mabait at upang itago ang maitim kong plano na sulitin ang ibabayad na 10 Dirhams. #grin

"Sense of Self-Entitlement." yan un pakiramdam na binigyan ka ng chance to have the authority to do as you will sa mga sitwasyong usually wala kang control. Isang masarap na feeling. Medyo negatibo kung tutuusin, pero sino ba ang aayaw sa mga pagkakataong tila "no rules" ang tema lalo na kung halo halo ang pag-uusapan.

Kaya ... Let the buffet halo halo begin!

Maingat kong tinakal ang mga sahog.

Pipiliin ko sana yung mga sahog na gusto ko lang lalo na ang minatamis na saging, pero naisip ko, anu naman ang sense ng halo halo kung me isang partikular na sahog lang akong pupuruhan. eh di sana nag saging con yelo na lang ako.

kaya ayun, lahat ng makita kong sahog maski isa o dalawang butil man lang eh nilagay ko sa baso ko.

Hindi ko alam sa puntong ito kung sinusulit ko ang bayad o sadyang P.G. mode lang ako nung gabing iyon.

Kaya ayun ang ending, mahigit 3/4 ng baso ko ay sahog.

Halos hindi ko na matakalan ng yelo to the point na bawat lagay ko ng yelo ay tumatapon ang sabaw ng mga sahog na pinaglalagay ko.

Hindi ko na rin malagyan ng gatas. Simpleng umaagas lang sa gilid ng baso ko ang bawat buhos nito.

At dahil magkalayo ang station ng yelo at gatas sa station ng lechen flan, halayang ube at kung anu ano pang toppings ay kinailangan akong maglakad.

Sige ang tapon ng sabaw ng halo halo ko sa bawat hakbang ng paa. Pasimpleng sinulyapan ko si Ate service crew, medyo salubong na ang kilay nya. Inis malamang sa nagkalat na tulo ng sabaw mula sa aking baso.

Haist. Kahiya-hiya. Kalunos-lunos. Kahindik hindik.

At ang ending isang baso ng halo-halo na puno ng sahog pero tila ice tubig sa tabang.

At sa sobrang siksik ... ang halo-halo ko hindi ko mahalo halo! #hu_hu_hu

Pulang pula ako sa kahihiyan habang sinusubukang imix ito habang ang misis ko at mga kaibigan namin ay pulang pula din sa kakatawa sa akin! #ha_ha_ha #kala_nyo_nakakatuwa_ha #me_araw_din_kayo #hmp

Haist. Sadya atang totoo na hindi porke't nakalamang ka eh magiging masaya ka. Delikado pala ang sense of self-entitlement.  Mahalaga pa rin palang alam mo ang limits and you stick to it para hindi messy ang buhay! #padeeptots

Kaya sa susunod na tanungin ako ni ate service crew alam ko na ang isasagot!

"Ate pakigawa na lang ako pleeeeeaaase!" with matching pungay ng mata!

RandomTots_ni_FRiL

No comments:

Post a Comment