One time nag-away kami ni wifey, matic syempre na walang kibuan. Nakakabingi ang katahimikan.
Tahimik syang nagluluto sa kusina, tahimik akong nanonood ng TV sa sala.
Nakakailang. Weekend pa naman. Unang araw ng two days off ko. Kung hindi ako magda-damoves, malamang magmistulang pyesta ng panis na laway ang aabutin namin.
Buti na lang at biglang naghashtag ng #lightbulb ang aking isipan.
#BACKGROUND_MUSIC.
Pinopup ko ang searchbox ng youtube sa aking celfon sabay type "it might be you" at voila ... heto na ang aking pamatay na background music.
Pinause ko muna ang video habang dahan dahang lumapit kay wifey.
Mula sa kanyang likuran, niyakap ko sya ng aking kanang kamay, habang pineplay ko ang celfon ko sa kaliwa at nagumpisang tumugtog ang malupet kong background music.
Sumandal si wifey sa akin at unti unting humilig ang kanyang ulo sa aking leeg.
Biglang napahashtag ang aking puso ... #epektib.
At dahil mahaba ang intro ng themesong namin, pikit mata kong ninamnam at inabangan ang unang stanza pero ....
"errrrr ..."
Nawala ang background music, huminto ang kanta .... Waaaaaaah ... nagbuffer ang youtube! Hmp. #Hanubayan
#Buffer ...
Ganito madalas ang eksena ng ating buhay. Matapos ang mahabang soul searching ika nga, oras na masumpungan mo at maumpisahan ang bagay na siga
w ng puso mo ay tila bigla na lang hihinto ang progreso, parang sasakyang nastuckup sa traffic, biglang ayaw umusad.
#Buffer ...
Mga moments na hindi mo alam kung me mangyayari pa ba o panahon na para palitan ang playlist ng buhay mo.
#Buffer ...
Isang munting proseso na ang design ay hindi para asarin ka kung hindi para idoublecheck ang laman ng puso mo! Kasi you either wait, change your selection or start all over again.
Ito ang reyalidad ng buhay. Kasama ang paghihintay. Laging me buffer kahit gaano ka pa naghandang mabuti.
Siguro, sa mga panahong buffer ang hashtag ng sitwasyon natin at wala tayong magawa, i-enjoy na lang natin kung saan man tayo nahinto dahil for sure kasama yan sa grand design para marating mo ang tunay mong patutunguhan.
Wifey: Oh ... anung nangyari sa music mo?
Ako: Nagbuffer .. hayaan mo na, mahalaga yakap na kita!
Sabay muling tumunog ang celfon ko "Time, i've been passing time watching trains go by ... all of my life!" #Awwwwwwww
RandomTots_Ni_FRiL

No comments:
Post a Comment