12 fruits na bilog para daw 12 months of abundance!
Hindi ko sure kung baket kelangang bilog, di ba pwedeng kahit anung prutas na lang?
Sino kaya ang nagpauso nito? Anyway, kung sino man sila ... anlakas nyong magtrip ha!
Naalala ko tuloy nung bata ako, lagi akong kayag ng lola ko sa palengke tuwing bisperas ng bagong taon.
Patakbo takbo kaming nagkikipagpatentero sa mga tambay na hindi mapigilang maghagis ng paputok sa kalsada.
Kasunod ng bawat putok ay ang sigaw ng lola ko!
"Mga damuho kayo! kita nyong me daraan eh!"
Na sasagutin naman naman nila nang ...
"Pasensya na po Aling Dolor! Happy New Year! Bawal pong magalit ngayon sige kayo baka isang taon kayong galit nyan."
At nagawa pang manakot ng mga damuho. Hehe
Pagdating sa palengke, walang habas na tawaran naman ang eksena! hanggang makumpleto ang labingdalawang prutas!
At pagdating sa bahay, isa isa namin itong iinspeksyunin.
Chico, Melon, Ubas, orange, sunkist, dalandan, suha, mansanas, pakwan, mangga, peras (although hindi ganun kabilog un iba ay pwede na raw basta mejo hugis bilog) ...
At ang huli naming nilabas sa supot ... dyaraaaan ... saging! HUWAAAT! errrr .. pahaba un hindi pabilog! Que Horror! hanggang november lang, kapos kami ng isang prutas para makumpleto ang 12 months!
At dito pumasok ang pagiging McGyver ko, binalatan ang saging sabay slice and voila ... bilog na sya! Problem Solved.
At eto palagay ko ang tunay na konsepto sa likod ng 12 fruits.
- Ang ipaalala sa atin na lahat ng bagay ay kelangang paghandaan.
- Labingdalawang iba't ibang uri para ipaalala sa atin na ang buhay ay exciting!
- Mahirap man kumpletuhin ang 12 prutas at sandamakmak na baratan ang eksena pero kapag ito ay nakumpleto mo, napaka-rewarding!
- Labingdalawang prutas na matamis para ipaalala sa atin na ibase mo ang mga desisyon mo ayon sa tama at mabuti.
- Labingdalawang prutas para ipaalala na ang blessing ay shine-share dahil kung pipilitin mong ubusin mag-isa lahat yan, hihinto ang feelings mo sa pagkabondat lamang, hindi ka magiging Happy, pramis!
- Labingdalawang prutas na iba't ibang level ng sweetness, me matamis, me sobrang tamis, me mejo matamis at minsan meron ding matabang! At ganyan din sa buhay! hindi laging matamis pero asahan mo laging may sustansya!
- Yung saging at ibang prutas na hindi naman talaga bilog ... paalala sa atin na okay lang kahit hindi perpekto ang kinalabasan ng mga desisyon natin, ang mahalaga sumubok tayo!
- At yung mga damuhong naghahagis bigla bigla ng paputok sa kalsada! sila yung mga tao na aanuhin ka kahit di mo sila inaano pero wag mong piliin na mag-anuhan kayo! (Anu daw? haha!)
Basta madami kang makakasalamuhang ganyan! Buong taon silang present maniwala ka! Pero wag mong hayaang pigilan ka nila sa mga magaganda mong plano at pangarap! lukso, iwas, kandirit, takbo .. kahit papaano pa! basta ang mahalaga .. wag kang susuko!
FRiL