Thursday, January 9, 2014

"Mini Heart Attack ..."

Eto yung tipong bigla kang nabigla (imagine that! biglang nabigla .. kakabigla yun ah!)

Kaparehas halos ito ng sensational feeling kapag bumulusok pababa un roller coaster na sinasakyan mo!

Titigil bigla ang mundo, mawawalan ng sounds ang paligid mo at para kang naparalyze ng ilang segundo at matapos ang pagkabigla mo ... sumisigaw ka na sa tuwa sabay taas ng kamay woooohooooo!

Yan ang kagandahan ng mini-heart attack ... may bawi.

Sample No.1:

Yung iPhone mo na bigla mong nabitawan habang nagse-selfie ka ... buti na lang rubberized ang cover kung hindi ay nascratch na ang anodized  aluminum back case nito! (kung anu man ang ibig sabihin ng anodized)

At muli kang nagpasalamat ke Steve Jobs na ang screen ng iphone mo ay gawa sa corning gorilla glass2 (kahit di natin alam kung anung churva yan pero ang angas pakinggan di ba?)

May Bawi.

Sample No.2:

Kinatatakutang mini-heart attack ng mga sobrang mapagmahal. WRONG SEND!

Number ni "Mahal ko#1" ang napili mo sa contacts imbes na number ni "Mahal ko#2!"

Lakas maka-comatoze ng mga ganitong moment!

Ang bawi ... buti na lang wala ka ng load! oh yeah! safe! pasadong mini heart attack moment!

Sample No.3:

Katagang malakas maka-mini heart attack "Pwede ba tayong mag-usap?"

Eto yung mga moments na biglang auto-rewind mode ang utak mo thinking kung me nagawa ka bang mali at kelangan pa nyang ipagpaalam ang pag-uusap nyo!

9 out of 10 daw ang sasagot ng "baket, me problema ba?" at iisa lamang sa sampu ang kayang sumagot agad agad ng "sure! why not!" sa ganitong sitwasyon!

Ang bawi dito ... kahit me nagawa kang mali nakahanda siyang ayusin ang lahat.

Mini Heart Attack ..

Kahit pa gaano nakakayamot at nakakainis, yan ay mahalaga sa buhay!

Minsan sa mga ganitong maliliit na insidente mo biglang nakikita ang bigger picture!

Kumbaga para siyang preview ng probability ng buhay para ipaalala sa atin na anytime pwedeng masira at mawala ang anumang hawak natin kung hindi tayo matututong magpahalaga, mag-ingat at ilagay sa ayos ang mga bagay bagay!

Bagama't hindi naman natin talaga hawak ang ating kapalaran, iba pa rin yung ikaw ay nag-ingat, nagpahalaga at pinilit gawin ang tama. Mas less ang pagsisisi at mas madaling makabawi.

Kaya sa susunod na mini heart attack moment mo ... treasure the lesson! ;)

FRiL

No comments:

Post a Comment