Friday, January 10, 2014

"Mas madaling makita ang wala ..."

Pag ngumiti ang isang tao, kita mo agad kung may bungi sya.
Pagkakain kayo at walang laman ang isang silya alam mo agad kung sino ang kulang sa hapag.
Pagbukas mo ng ref, alam mo agad kung anong stock ang wala ka na.

Kasi nga mas madaling makita ang wala.

Tulad sa tao, mas madaling makita ang kakulangan ng isang tao, mas madaling makita kung ano ang wala sa kanya.

Sa ganitong pagkakataon ... naghahanap tayo ng iba sa pagaakalang mas higit ito sa taong kasama natin ngayon! pero ang totoo, ung "wala" lang ang nakita natin sa bago.

At madalas kakatingin natin sa mga bagay na wala hindi na natin napapansin ang mga bagay na meron hanggang sa isang araw ... lahat ay tuluyan ng nawala.

Mas madaling makita ang wala ... pero tandaan, minsan ang mga bagay na mahirap makita ang mas makabuluhan. 


FRiL

No comments:

Post a Comment