Sunday, January 5, 2014

Wag Mo Nang Itanong ...

At tulad ng Pizza ...

Maraming bagay ang patuloy mong hindi mage-gets.

Bilog ang Pizza, Square ang Box at Triangle ang bawat slice.

Di mo man gets pero tanggap mo!

Minsan kasi, hindi nman kelangan ng explanation basta na lang nagja-jive ang mga bagay bagay.

At hindi nman lahat sa buhay ay kelangan mong kwestyunin, mauubasan ka lang ng laway maniwala ka.

Pero tulad ng pizza, dapat bago mo tanggapin yung isang bagay na tila walang sense kelangan kumbinsido ka na mukhang okay naman siya kahit ganun .. kelangan ng elemento ng pagiging "tila tama"

Mahirap man kasing malaman ang tama sa mali, kapag ramdam mong "tila tama" ang isang bagay ibig sabihin nun ay may kargang kabutihan ito at ito ang pinaka-importante sa lahat!

Pepperoni ang flavor ng Pizza ko at tira tirang crust ni wifey ang peyborit kong part! Wag mo nang itanong!

FRiL

No comments:

Post a Comment