Bawat taong lumilipas ay tila isang teacher sa ating buhay.
At tulad ng mga nakalipas na taon, si Teacher 2014 ay iisa lang din ang lesson plan ... "SURPRISE QUIZ"
Siya yung tipong kung kelan ka ready ay saka walang test ... at kung kelan ka hindi nagreview, naka-ngiti pang ia-announce na "klas, wanhap padpeyper lenkwais. now na!" at ang masaklap madalas wala kang baong papel. oh men! lakas maka-comatose!
Pero sa totoo lang, hindi naman hangad ni Teacher 2014 na lagi kang maka-100 sa mga surprise quiz nya, wapakels siya sa magiging resulta nito, ke pasado ka, pasang awa o kahit bumagsak ka pa.
Ang tanging purpose kasi nya ay makita kang hindi tumalikod sa mga exams na ibabato nya. Happy na siyang makitang pilit mong sinagot ang quiz kahit gaano pa ito ka-surprise.
Ang goal ng mga teacher sa bawat taong lilipas ay iisa. Ang ipaunawa sa atin na walang kasiguruhan ang bawat araw kaya Surprise Quiz ang learning strategy nila.
Kaya nga daw kung nasa taas ka, wag masyadong mayabang kasi anytime pede kang bumagsak! At kung nasa baba ka naman, wag mawawalan ng pag-asa dahil patuloy na iikot ang mundo at pwedeng magbago ang sitwasyon mo any moment!
At tulad ng mga quiz natin sa school noon, may mahirap, may madali at minsan may give away pang sagot si Teacher at minsan din lahat ng present pasado, as simple as that! Kaya wag kang aabsent!
Kaya wag aayaw sa mga surprise quiz ng buhay! Allowed ang erasures, pero bawal kalimutan ang kalakip na lesson sa bawat mali. At kung bagsak ka ke Teacher 2013, okay lang ... hindi pa naman FINALS yan, pwede pang bumawi ke Teacher 2014.
(Pabulong) ... "Klasmeyt, enge pang isang papel, lenkwais pala ang hati, kroswais un cut ko!" sabay kamot ng ulo!
FRiL

No comments:
Post a Comment