Monday, January 6, 2014

“Sige lang Beybi Click ka lang ng Click …”

SELFIE

Bukod sa pagiging word of the year, ito ang nagturo sa karamihan sa atin na lahat tayo ay may angking ganda at kagwapuhan! Wag mo kong tanungin kung saang banda un sa akin kasi hindi ko rin alam! (hehe)

Well, nakakauyam man minsan yung mga friends ko na lakas mangflood ng timeline ng iba’t ibang uri ng selfie nila ay wala naman akong reklamo! Ayuz lang un kasi wala naman talagang masama sa selfie!


Documentation ika-nga nila ang madalas na dahilan ng pagse-selfie, after sometime kasi ansarap balikan ng mga ito.  At kung ako man siguro ang may hi-tech na celfon at astig ang front camera, malamang puno rin ng mukha ko ang newsfeed nyo! ;)

Selfie … tunog selfish pero actually hindi naman. Selfie kasi mag-isa mong kinunan ung sarili mo! Ikaw lang ang nagpicture at ikaw din ang bida! At walang masama dun lalo na at pa-good vibes ang caption mo (e.g. smile lang jan ..  tiis lang para sa pamilya … puyaterz, gimik with wifey last nite!)

Para sa akin, mas selfie pa sa aspetong selfish ang mga status na akala mo nabili nila ang lahat ng karapatan sa mundo na ipost ang galit sa isang tao at ung status na nag-uumapaw sa tapang na akala mo hybrid siya ng sige sige at sputnik at mga mapanghusgang pasaring sa statusbox nila!  Selfiesh yun kasi di mo na kami kinonsider … kami na ang hanap ay world peace! Ahehe … pero seryoso, mas kaasar un mga ganyang banat. Selfish di ba?

Mas okay na sa akin ang pagoodvibes effect na selfie kahit di masyado kagoodlooking! Kaya asahan nyo ang thumbs up ko next time na post nyo ng selfie at para fair … paki-like na rin yung akin! ;)

Pikit ang mata, kunot ang noo, sabay suntok sa ere “tsk lowbatt ako … haist sayang ang gel.”


FRiL

No comments:

Post a Comment